happy birthday dors and ate aret!
nag-surprise party kami kay dors at ate aret kagabi. nagdala ako ang cake, may mga nagdala rin ng ibang pagkain kaya parang potluck ang dating. may ice cream, barbecue, kfc, spaghetti, juice na bubble gum flavor, sinigang na hipon at pagket na hindi napansin. hehe. tapos nag webcam session kami kay kuya erap na nasa ireland. may balak sya para sa akin eh, hehe. kung ano man yun, sa proper time ko na sasabihin, baka maudlot eh. hehe. gamit namin pang- session yung laptop ni junior. ang ganda nung camera nya pati nung headset, masyadong maliliit kaya nakakailang gamitin sa simula. ok rin sa yahoo messenger, nakikita mo na rin yung kausap mo ng realtime. umuwi ako sobrang busog. nahilo tuloy ako. hehe.
binigyan ako ni ryan ng cd last saturday. yung simpatico ng velocity girl pati yung mga demos ng apple orchard. na-miss ko yung velocity girl. sophomore year ko ata nung college nung huli ko silang napakinggan. isa sila sa favorite bands ko, though di sila christian. magaling na singer si sarah shannon. yung demo ng apple orchard, astig. parang sugargliders yung nakikita kong similarity sa boses ni ryan. laid back yung music nya. pang lazy summer afternoon ang setting. saka ok rin yung recording kahit four-track lang yung gamit nya. "waiting in line is such a waste of time...."
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home