I'm losing sleep but not losing heart. I'm losing strength but not losing hope. because you have given and have taken away. May your Name be forever praised.

Friday, November 05, 2004

worship conference sa up theater

pumunta ako sa tommy walker worship conference
nung november 1 at masasabi ko na hindi naman
nasayang yung oras ko dun. ang daming attendees
at nalaman ko na sponsored pala ng musikatha yun
kaya mostly taga-jil yung mga nandun.

may mga breakout sessions kung saan hahati-hatiin
yung grupo sa bass, guitars, etc. ang pinuntahan
ko na session yung sa mixing. wala namang hands-on
na ginawa (sino nga naman makakapag-hands-on dun
eh one hour lang ang alloted time). mostly practical
tips lang ang binigay ni mr. dan raymond at meron
naman akong natutunan sa kanya.

dalawang type ng worship leader and nakita ko dun.
isang swabe at tahimik na nasa katauhan ni tommy
at isang malakas at charismatic sa katauhan ni
edith. nakita ko ang contrast ng dalawa at sana
naman hindi magalit ang mga taga-jil na nagbabasa
dito (kung meron ngang nagbabasa nito) pero talagang
di ko gusto ang pamamaraan ng huli. pero in fairness
she was able to usher the congregation in the
presence of God, or at least mostly.

siguro na culture shock lang ako, being in a church
na may liturgal leanings. nagiging subjective lang
rin ako siguro. if it is pride or any other wrong
feelings, then God forgive me.

second day nag-lead ng worship si rommel guevarra.
simple ng mga kanta niya at ang daling sabayan. galing
rin ng mga musicians niya. may ire-release sya na album,
yung salubungin na kung saan si kuya manny yung gumawa
ng cover. astig.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Gusto ko lang mag-comment dun sa pagco-compare mo ng two worship leaders nung last worship conference sa UP theater.Hindi naman kita masisisi kung ganon ang unang reaksyon mo sa style ni Sis. Edith sa pagle-lead ng worship, anyway, first impression doesn't last.Somehow yan din ang impression ko ng una ko syang makitang mag-lead. Tama ka bro! I'm a genuine JIL member, and I'm proud to be one!walang halong pagmamalaki, nung bata pa ko galing din ako sa ibang church pero masasabi kong sa JIL ko natutunan at na-experience ang kakaibang level ng praise & worship sa Panginoon..walang reservations & inhibitions at sabi nga dun sa lyrics ng isang kanta ng bagong album ng Musikatha,"walang halong pagkukunwari".

To tell u the truth I really admire sis. Edith, alam nya kung papano hihipuin ang puso ni Lord sa pagpapaawit, not to please the congregation or anyone else, but to please & touch the heart of God. Just like David, even though he is a king, he danced like a fool in praising God, inisip pa nga ng ibang tao na sira ulo sya at nakakahiya dahil hari sya tapos hindi sya conscious sa sarili nya. Well, i know u got my point..ang pagpupuri sa Panginoon ay wala sa solemnity ng pag-awit gaya ng nakagisnan nating relihiyon. Ito ay nagmumula sa puso ng isang taong gustong maparangalan ang Diyos sa buhay nya. Ang iba nga kapg nanonood ng concert ng mga artist talagng todo bigay sa pagsayaw may kasama pang hiyaw sa sobrang enjoyment, how much more sa Diyos, when we rejoice in His presence, we tend to dance, jump & raise our hands as if we cannot contain the joy in hearts in praising our Wonderful King.

Actually I really missed the JIL praise & worship there in the Phils..coz I'm here in Doha, Qatar now in a different church..I can really say that JIL praise & worship has excellence in leading the people into a true worship to the Living God.

Thanks!
Girl in Doha

4:57 PM

 
Blogger under the bright lights said...

hi Girl in Doha,

thanks for stopping by and thanks for your insights.

it's true that what matters most is the heart. and the reason why others don't like the type of worship others do boils down to the issue of preference. what i see as ok may not be ok to others. it's personal subjectivity and im afraid no one can argue with that.

...ang pagpupuri sa Panginoon ay wala sa solemnity ng pag-awit gaya ng nakagisnan nating relihiyon...

very true, and certainly wala rin sa charismatic-type
ng pag-awit.


...Ito ay nagmumula sa puso ng isang taong gustong maparangalan ang Diyos sa buhay nya...

amen to that!

12:56 PM

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home