tuloy ang song expo
sa wakas natuloy rin yung song expo namin kahapon. nung last week kasi di natuloy dahil gabi na silang dumating. buti kahapon nakahabol sila dors at sila ate aret. natapos kami quarter to eleven na kaya gutom na gutom na ako pag-uwi. di ko na nga naibigay yung susi kila ate sherlyn dahil tulog na sila nung pumunta ako sa kanila.
earlier nung pumunta ako sa kanila para hiramin yung susi nakita ko si elisha suot yung bago niyang sapatos. ipinakita niya sa akin sabay tanong "tito how do i look?" hehe. nakakatuwa dahil pinasuot pa niya sa nanay niya yung bagong damit rin na binili para sa kanya.
ang sakit ng binti ko kakatakbo. tapos nag sit-ups ako kaya ayun ang sakit ng tiyan ko kapag tumatawa. pumayat na raw ako, yung tiyan ko medyo lumiit na. wala na ang danger na mag-blackout ako sakaling suutin ko yung mga pantalon ko. hehe.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home