I'm losing sleep but not losing heart. I'm losing strength but not losing hope. because you have given and have taken away. May your Name be forever praised.

Friday, March 18, 2005

next time lagyan ko na sila ng labels

music: not to us - chris tomlin
mood: weekend na naman!

di ko mahanap yung cd ni kuya na puro hymns, mga isang daang cds siguro yung hinalungkat ko kagabi talagang di ko nakita. pagkatapos kong mapakinggan yung cd ng passion na puro hymns eh parang nabuhayan akong makinig ulit ng mga ganung kanta. very rich kasi yung text, kumbaga more hardcore than hardcore pa yung mga lyrics nila. nakaka-bless talaga yung mga passion artists kasi nagi-integrate sila ng hymns sa mga songs nila. eto yung mga sample:

1. yung line na "the cross before me the world behind" sa song ni chris tomlin na "not to us" ay galing sa song na "i have decided to follow Jesus."

2. yung original version ni chris tomlin ng "we fall down" (we lay our crowns, at the feet of Jesus...) ay siningitan ng first stanza ng "my Jesus i love Thee" sa huli.

3. si david crowder madalas mag-cover ng mga hymns, "all creatures of our God and King" at "come thou fount."

4. tapos yung favorite song ko na "You are my King (Amazing Love)>" ay based sa immortal hymn ni Charles Wesley na "and can it be that i should gain."

saka kaya ko pala gustong mahanap yung cd na yun kasi may astig na version dun ng amazing grace na acapella, magandang kantahin sa church. ganda sana gayahin yung style ng pagkanta. ayun, mga nakita kong cds eh yung portishead (naalala ko yung song nila na may scratching kaya pinakinggan ko, hehe), mojave 3, softies, yung dvd ng making ng joshua tree, mga demos namin, mga mp3 ng jars, tapos nakihalo pa sa kalat yung mga minidiscs ni kuya. di ko na lang muna siya hahanapin, kasi yung mga bagay minsan kapag di mo hinahanap biglaan na lang na sumusulpot.


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home