I'm losing sleep but not losing heart. I'm losing strength but not losing hope. because you have given and have taken away. May your Name be forever praised.

Monday, April 04, 2005

of mice and men

music: famous one: chris tomlin
mood: hopeful

last week nagulat na lang kami bakit di gumagana yung
phone namin sa bahay, tsinek ko yung cables tapos nakita
ko na kinain pala ng daga yung wire. buti na lang may
spare si uncle kaya yun yung ginamit namin. after two or
three days tinetext kami ng mga kamag-anak namin bakit
wala daw sumasagot sa phone namin, tapos tsinek ko
ulit yung cable at que horror! kinain na naman ni mickey!!
at hindi lang yun, yung mga wires ng speaker ng pc, printer,
webcam, microphoneat USB pinagkakain nya rin. yung power
cable di nya kinagat, ewan kolang kung talagang di nya kayang
kagatin o talagang alam nya na mae-electrocute sya kung yun
ang pagdidiskitahan nya. kaya ayun pinagko-connect ko yung mga
wires at at the back of my mind etong sinasabi ko:

THIS MEANS WAR!


ni-report ko sa minister of defense (a.k.a. nanay ko) yung
domestic problem namin at sinabi ko na at risk ang aming
ibang kagamitan sa bahay kaya the following day bumili sya ng
racumin. naglagay kami dun sa mga entry/exit points ng daga sa
bahay at anxiously naghintay kami sa epekto ng biological weapon
namin. sabi kasi ng weapons adviser (yung tindera sa
hardware) namin, 3 days pa raw malalaman ang epekto nun.
meanwhile nag-harness ako ng mga cables sa bahay at di ko na
pinasayad sa sahig para di na ulit mangyari yung ganung problema.
then saturday morning, habang inaayos namin ni kuya yung chords
sa mga song sa worship set nya, may bigla na lang nalaglag dun
sa hagdanan namin. at ayun, bumulaga sa amin si mickey in all
his gory glory! groggy manotoc na sya, mabagal na kumilos tapos
parang takot na maglakad. siguro kung isasama yung length ng
buntot nya mga 1 foot ang haba nya. cute sya. pero di umubra
sa amin ni kuya yung cuteness nya, nilabas namin tapos syempre
di ko na ikukuwento kung anung nangyari kasi masyado nang
violent kung ikukwento ko pa yung details ng execution namin.

ayun. nakakatulog na kami ngayon ng mahimbing. wala ng threat
ng bubonic plague sa bahay. hindi ko alam kung bakit ginawa ni mickey
yun sa amin pero malamang retaliation nya na rin yun sa mga previous
experiences namin sa mga daga sa bahay. di ko alam kung kelan
sila babalik. pero kung kelan man yun, di na kami natatakot dahil
meron na kaming weapons of mass destruction na itinatago sa bahay.
Image hosted by Photobucket.com

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

haha! groggy manotoc is funny! hahaha!

6:59 PM

 
Blogger under the bright lights said...

hehe. natutuwa kasi ako sa term na gutom jones kaya nag-isip rin ako ng iba pa.

11:52 AM

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home