kumain kami sa isang seafood restaurant
dito sa may roxas boulevard. may supplier
kami na taiwanese na tinreat namin dun.
dalawa sila kasama yung wife nya tapos
kasama yung tsg team namin kaya anim
kaming lahat. di talaga ako mahilig sa mga
pagkain na nanggagaling sa shell (tahong,
talaba, etc) pero kagabi parang masarap
yung pagkakatikim ko dun. hehe. siguro
dahil libre. hehe. pero masarap talaga yung
pagkakaluto eh. anyways, 10 na kami umalis
kaya twelve na akong nakarating sa bahay.
uminom ako ng softdrinks kahit iniiwasan ko
nang uminon nung matagal na kasi para
matunawan ako ng maigi. excuse me. hehe.
earlier habang nagdi-discuss yung taiwanese
tungkol dun sa product, "opopor" siya ng
"opopor" ayun pala "output port" yung sinasabi
niya. hehe. pero ang galing niya magdiscuss,
highly-technical pero madaling maintindihan.
maganda yung product kasi ganito yun,
mayroong isang equipment na gagamitin ka
para mapagsama yung 3 cellphone operators
gamit yung isang sets ng antenna at cable. kaya
instead of using 3 separate sets of cables and
antennas you would only have to use one. galing
di ba? para silang friends na nagshe-share. hehe.
pero nung diniscuss nya sa globe medyo
may pag-aalinlangan ata sila. hehe. pero yung
smart medyo positive yung reaction.
bukas second time kong magsusuot ng barong,
ikakasal kasi yung pinsan kong lalaki tapos ako
ang mag-aabay. yung first time na nagsuot ako
ng barong nung nag-abay din ako sa kasal ni
kuya manny. ano kaya no, pag may kasal mga
super hero costumes ang suot. yung tipong
justice league ang motiff. o kaya yung mga abay
naman naka basketball uniform tapos yung bride
ang muse at yung groom ang escort. yung mga
major sponsors naman naka-suot ng damit na
pang-committee tapos mga parents naka-pang
referee. hahaha. pang referee, how appropriate.
hehe. pam-barangay na sytle.