I'm losing sleep but not losing heart. I'm losing strength but not losing hope. because you have given and have taken away. May your Name be forever praised.

Friday, November 05, 2004

worship conference sa up theater

pumunta ako sa tommy walker worship conference
nung november 1 at masasabi ko na hindi naman
nasayang yung oras ko dun. ang daming attendees
at nalaman ko na sponsored pala ng musikatha yun
kaya mostly taga-jil yung mga nandun.

may mga breakout sessions kung saan hahati-hatiin
yung grupo sa bass, guitars, etc. ang pinuntahan
ko na session yung sa mixing. wala namang hands-on
na ginawa (sino nga naman makakapag-hands-on dun
eh one hour lang ang alloted time). mostly practical
tips lang ang binigay ni mr. dan raymond at meron
naman akong natutunan sa kanya.

dalawang type ng worship leader and nakita ko dun.
isang swabe at tahimik na nasa katauhan ni tommy
at isang malakas at charismatic sa katauhan ni
edith. nakita ko ang contrast ng dalawa at sana
naman hindi magalit ang mga taga-jil na nagbabasa
dito (kung meron ngang nagbabasa nito) pero talagang
di ko gusto ang pamamaraan ng huli. pero in fairness
she was able to usher the congregation in the
presence of God, or at least mostly.

siguro na culture shock lang ako, being in a church
na may liturgal leanings. nagiging subjective lang
rin ako siguro. if it is pride or any other wrong
feelings, then God forgive me.

second day nag-lead ng worship si rommel guevarra.
simple ng mga kanta niya at ang daling sabayan. galing
rin ng mga musicians niya. may ire-release sya na album,
yung salubungin na kung saan si kuya manny yung gumawa
ng cover. astig.

Wednesday, November 03, 2004

banner

See, read, hear, interact @ CCMplanet.com